Overall Champion In National Level

Isa nanamang karangalan ang naiuwi ng CAGELCO sa naganap na Warriors of Light Summit sa Baguio City noong Hulyo 25, 2019, na dinaluhan ng iba't ibang Electric Cooperatives sa buong bansa. Namayagpag sa kategoryang Pole Climbing at Conductor Riding ang mga lineman ng CAGELCO . Dahil dito, naigawad sa CAGELCO ang Tropeyong Pole Climbing Relay Winner. Eto rin ay nagbigay ng malaking ambag sa pagkakapili ng Rehiyon 2 o ang NELECA group bilang kampeon ng Luzon sa nasabing kompetisyon. Hindi man nakuha ang inaasam na overall champion sa National Level na ginanap din sa nasabing lugar, naipamalas pa rin nila ang kanilang galing at nasungkit nila ang SILVER AWARD.

Sa lahat ng mga lineman, SALUDO po kami sa INYO!